4 sundalo sugatan sa Sayyaf attack

MANILA, Philippines - Apat sa tropa ng pamahalaan ang nasugatan makaraang  masabugan ng bomba na itinanim ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Basilan kamakalawa.  

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command Spokesperson Lt. Steffani Cacho na nagsasagawa ng clearing operations ang mga elemento ng 32nd Infantry Battalion ng Philippine Army sa Barangay Pamatsaken, Sumisip, Basilan nang maganap ang insidente.  

Ayon kay Cacho, idine-detonate ng mga sundalo ang natagpuan ng mga nakapaing mga bomba sa lugar nang aksidente itong sumabog nang wala sa oras. (Joy Cantos)

Show comments