LRT Line 1 sa Cavite pinamamadali ni GMA
TRECE MARTIRES CITY, Cavite, Philippines – Nagpahayag ng pasasalamat si Governor Ayong Maliksi sa utos ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Department of Transportation and Communication (DOTC) na madaliin ang planong Light Rail Transit (LRT) Line 1 South Extension Project sa Cavite.
Ang naturang desisyon ay ikinatuwa ng mga Kabitenyo na nagsagawa ng rally noong Enero 20 upang ipahayag ang pagkadismaya sa naunang pahayag mula sa DOTC na ibaba-sura ang proyekto ng LRT na ayon sa kanila ay naipangakong magagawa isang dekada na ngayon.
Naniniwala si Governor Maliksi na ang utos ng Pangulo ay walang bahid pulitika kahit ito ay naisagawa ngayong nalalapit na ang eleksyon kundi bilang sagot sa sigaw ng mga mamamayan na naghihintay sa proyekto.
“Natutuwa ako at nagkaroon ng magandang bunga ang ating pagsisikap nang tawagin natin ang pansin ni Presidente Arroyo upang ipatupad na ang proyekto at ipaliwanag ng DOTC ang dahilan kung bakit na binbin ang LRT south extension,” pahayag ni Maliksi.
Ang kautusan ni Arroyo na muling buhayin ang pagpapalawak ng proyek- to ay isinagawa matapos ang pagbisita sa progreso ng LRT north extension project.
Idudugtong ang proyekto sa kasalukuyang linya mula Baclaran hanggang Bacoor mag-uugnay sa mga lungsod ng Paraña-que, Las Piñas, Muntinlupa at sa bayan ng Bacoor, Cavite. Ang south extension ay inaasahang magdadagdag ng 20,000 pasahero kada na kapasidad ng LRT.
- Latest
- Trending