Iniwan ni mister nag-suicide

RIZAL , Philippines  — Dahil sa matinding selos sa nakitang text mes­sage ng karelasyong babae ng kanyang mister, nagsaksak sa sarili ang isang 32-anyos na misis sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Cupang, Antipolo City, Rizal kama­kalawa.

Kinilala ang nag-suicide na si Michelle Soriano ng Block 3, Lot 21, Palmera Woodland sa nabanggit na barangay.

Napag-alamang nag-uusap ang mag-asawa nang tumunog ang cell phone ng lalaki kung saan naagaw at nabasa ng biktima ang mensahe buhat sa babae na sinasabing ka­relasyon ng kanyang mister.

Dito na nagtalo ang mag-asawa hanggang sa maghamon ng hiwalay ang lalaki kung saan hindi naman matanggap ng biktima ang pag-abandona sa kanya ng mister at saksakin ang sarili. Danilo Garcia

Show comments