Virus ng anthrax kumakalat... 2 katao dedo, 100 apektado
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Dalawa-katao ang iniulat na namatay habang aabot naman sa 100 iba pa ang apektado dahil sa pagkain ng karne ng kalabaw na may sakit na anthrax sa bayan ng Lasam, Cagayan.
Ayon kay Dr. Danilo Alonzo, Cagayan health officer, ang dalawa ay kapwa residente ng Barangay San Pedro, Lasam, Cagayan kung saan mahigit sa 100 iba pa ang kanilang minomonitor at ginagamot dahil sa pagkain ng karne na kontaminado ng bacillus ng anthrax.
“The spread of the di sease is already at epidemic proportions and we have to do all measures extraordinarily in order to contain the situation which may be declared as a calamity,” pahayag kahapon ni Dr. Alonzo.
Kasalukuyang bineberipika pa ang pagkikilanlan ng dalawang nasawi at 100 residente mula sa nasabing bayan na apektado dahil sa patuloy na pagbebenta ng mga nakatay na karne ng kalabaw.
“Apparently those who butchered the infected carabao still continued selling its meat, perhaps due to poverty, which in turn caused the outbreak in that very remote area,” dagdag pa ni Alonzo.
Samantala, aabot naman sa 16 residente mula sa nasabing barangay na sinasabing apektado ng bacillus ng anthrax ay nasa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City-Cagayan habang ang iba ay nasa Lasam District Hospital.
Nagpadala na ng mga anti-anthrax medicine, intravenous fluids at antibiotics ayon na rin sa kahilingan ng Lasam municipal office upang mapigilan ang pagkalat ng virus.
- Latest
- Trending