Principal inutas sa garahe

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Napatay ang isang principal ng elementarya matapos barilin ng di-pa kilalang lalaki sa garahe ng kanyang tahanan kamakalawa ng gabi sa Purok 7, Punta Nursery sa Barangay Nursery, Masbate City.

Napuruhan sa ulo si Ruel Gonzaga, 38, ng Nursery Elementary School.

Ayon kay P/Supt. Oscar Regala, na iginagarahe ng biktima ang kanyang sasakyan nang lapitan at barilin. Kasalukuyang inaalam ng pulisya ang motibo ng krimen. Ed Casulla

Show comments