Ex-mayor, 1 pa tiklo sa gun ban

MANILA, Philippines - Arestado ang dating mayor ng Buenavista, Quezon at security escort nito sa inilatag na Comelec gun ban sa Maharlika Highway sa Barangay Rosario sa bayan ng Gumaca, Quezon, kamakalawa ng hapon. Pormal na kinasuhan si ex- Mayor Ramon Reyes at ang security excort nitong si Alex Recamara. Nasamsam sa pag-iingat ng mga suspek ang cal 40 pistol na nakalagay sa bag ni Reyes habang nadiskubre rin na walang valid na driver’s license ang driver nitong si Aldrin ZarsueloJoy Cantos

Show comments