CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Tinapos ng dalawang magkalabang lalaki ang kanilang alitan matapos na magkabarilan sa bisinidad ng Sitio Canangan, Barangay Liboro sa bayan ng Ragay, Camarines Sur kamakalawa ng umaga.
Kinilala ang dalawang nasawi na sina Kagawad Abraham Tanierla 36; at Juanito Igno, 40, kapwa nakatira sa Barangay Kaditaan A. Lumilitaw na nagkrus ang landas nina Tanierla at Igno na sinasabing may matagal na alitan sa isa’t isa kung saan humantong sa barilan. Ed Casulla