MANILA, Philippines - Isa pang dump truck driver ang pinalaya ng mga bandidong Abu Sayyaf noong Biyernes ng gabi sa bisinidad ng Barangay Kapok Punggol sa bayan ng Maimbung, Sulu. Kinilala ng Army’s regional spokesman na si Lt. Steffani Cacho, ang pinalayang bihag na si Raja Halud.
Si Halud at isa pang driver na si Halal Alih ay kinidnap ng mga bandido sa highway ng Brgy. Lunggang. Gayon pa man, naunang pinalaya si Alih matapos ang isang araw na pagkakabihag. Si Halud ay maayos na nakabalik sa kaniyang pamilya matapos isailalim sa medikasyon at debriefing. Joy Cantos