Petisyon vs Joaquin ibinasura

Laguna, Philippines — Ibinasura ka­hapon ng Commission on Elections ang petisyon ng isang Aldrin Lumague na humihiling na idiskuwalipika sa halalan sa Mayo si dating Laguna (1st District) Congresswoman Uliran Joaquin sa katwirang isa itong Chinese citizen at hindi isang Pilipino. Sinasabi sa isang resolusyon ng 1st division ng Comelec na napatunayan itong natural-born Filipino si Joaquin at ipinanganak na isang Pilipina. Nauna na ring dinismis ng Laguna Prosecutors Office ang isa pang kahalintulad na pe­ tisyon na nagpapadis­ku­walipika sa dating mamba­batas. Arnell Ozaeta

Show comments