Police intel itinumba sa bar

MANILA, Philippines - Bumulagta ang isang intelligence officer ng pulisya makaraang pagbabarilin ng ‘di-pa kilalang lalaki sa loob ng videoke house sa Koronadal City, South Cotabato kamakalawa. Napuruhan sa kaliwang bahagi ng ka­tawan at napatay sa Doctor’s Clinic and Hospital si SPO4 Renato Viernes. Napag-alamang hinihintay ng biktima sa loob ng LCS Lantion Videoke House ang tipster kaugnay sa mga kasong kriminal nang maga-nap ang pamamaslang bandang alas-10:45 ng gabi. Tinangay pa ang service firearm ni SPO4 Renato Viernes. Joy Cantos

Show comments