Ina kinatay ng anak

BATANGAS, Philippines – Kahi­hiyan ang isa sa motibo kaya tinadtad ng saksak ng patalim ang isang 46-anyos na ina ng sariling anak na tinedyer sa loob  ng kanilang bahay sa Ba­ra­ngay Sta. Clara, Sto. To­mas, Batangas kama­ka­lawa ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Supt. Raul Tacaca, hepe ng pulisya sa bayan ng Sto. Tomas, ang napaslang na si Susana Maligalig, tubong Mabitac, Laguna.

Nakatakdang i-turn over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang suspek na iti­nago sa pangalang Lino, 17, 2nd year student sa Sta. Clara National High School na nagtamo rin ng sugat   sa kamay mula sa kutsil­yong ginamit sa kri­men.

Ayon sa police report, magkasamang natutulog ang mag-ina sa kwarto nang maalimpungatan at pagsasaksakin ng anak ang kanyang ina na nag­sisigaw at humihingi ng tulong bandang alas-3 ng mada­ling-araw.

Mabilis namang gini-sing ng kasambahay na si  Arwin Ariola ang asawa ni Su­sana na si Flaviano na natu­tulog sa ka­bi­lang silid para buksan ang pinto ng kwarto ng mag-ina.

Inabutan nina Arwin at Flaviano ang tinedyer na nakatayo pa sa gilid ng kama ng ina habang ha-wak ang ginamit na patalim.

May teorya si Supt. Ta­caca, na dinamdam ng anak ang ginawang pama­malo ng ina sa harap mis­mo ng school principal.

 “Hindi daw nag­papa­pasok sa school ang tined­yer kaya pi­na­t­awag ng principal ang ina at doon siya napalo sa harap mis­mo ng prin­cipal,”  dagdag pa ni Tacaca.

Inamin naman ng sus­pek ang kri­men at nag­dilim lang daw ang pani­ngin nito kaya nasaksak ang ina.

Show comments