6 katao todas sa sunog
MANILA, Philippines - Anim-katao kabilang ang dalawang bata na sinalpok ng firetruck ang iniulat na namatay ha bang isa pa ang nasugatan sa naganap na sunog sa Barangay Catbangen, San Fernando City, La Union kamakalawa ng hapon.
Kabilang sa mga nasawi sa sunog ay sina Charles Boado, 12; at Steve Kyle Cariño, 7, kapwa residente ng Banks Poro, San Fernando City habang sugatan naman ang bumbero na si FO2 Edgar Nueva, 49, ng Naguillan Fire Station.
Sa police report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na nasunog ang dalawang palapag na gusali kung saan naabo ang limang bahay na nasa likuran.
Hindi naman umabot ng buhay sa Ilocos Training and Regional Medical Center ang dalawang bata na sinasabing nahatak ng hose ng firetruck saka tumilapon ng ilang metro matapos magsalpukan ang dalawang firetruck na rumesponde sa sunog.
Nabatid na nawalan ng preno ang isa sa trak kaya sumalpok sa isang sasakyan at nadamay ang ambulansiya at mo torsiklo. Joy Cantos
- Latest
- Trending

















