CAMP PRES. QUIRINO, Ilocos Sur, Philippines - Hindi pa nag-uumpisa ang kampanya kaugnay sa nalalapit na eleksyon sa Mayo ay dalawang kandidatong konsehal ang pinagbabaril at napatay ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan na sinasabing miyembro ng private armed group sa Ilocos Sur.
Kaagad namang bumuo ng task force ang pulisya laban sa mga pumatay kina Cecilio Tolentino, 65, ng Barangay San Vicente at Artemio Tugade.
Nabatid na si Tolentino na dating manager ng National Food Authority ay kandidato sa bayan ng Magsingal habang si Tugade naman ay kandidato sa bayan ng Sta. Maria.
Ang pagkakapatay kay Tolentino ay naganap ilang araw matapos ang peace covenant na nilagdaan ng mga kandidato, Comelec at mga pulis sa pangunguna nina P/Chief Supt. Constante D. Azares Jr., Region 1 police director at Comelec Supervisor Marino Salas.
May teorya si Mayoralty bet Edgar Guzman na may bahid pulitika ang pagpaslang sa dalawa. Myds Supnad