Shabu chemical nasabat sa Comelec checkpoint

MANILA, Philippines - Nakorner ng pulisya ang apat na sasakyan na may kar­gang sangkap sa pag­ga­wa ng shabu sa isina­ga­wang operasyon sa Bukid­non, kamakalawa.

Ayon kay Police Region 10 Director, Chief Supt. Danilo Empedrad, dakong alas-8:45 ng gabi nang maharang ang mga sasak­yan sa Barangay San Vi­cen­te sa bayan ng Sumi­lao, kung saan anim na katao ang naaresto dito.

Nakumpiska mula sa naturang mga sasakyan ang mga kemikal sa pag­gawa ng shabu gaya ng acetone, ephedrine, hydrochloric acid, sodium hydroxide, activated carbon at phosphorous.

Ang mga naturang sa­sakyan ay galing umano sa Cagayan de Oro City at patungo sa Wao, Lanao del Sur ng makorner ng checkpoint ng Commission on election. Inilagay ang natu­rang checkpoint upang ma­pigilan ang pagdanak ng dugo sa darating na presidential election.

Show comments