^

Probinsiya

Magat Dam sa Isabela namimiligrong matuyo

-

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Pinaniniwa­laang namimiligrong matuyo ang Magat sa bayan ng Ramon, Isabela kung saan umaabot na sa 60,000 ek­tarya ng taniman ang apektado dahil sa ma­agang epekto ng El Niño sa buong kapuluan.

Ayon kay Danilo Tumamao, pinuno ng agriculture office ng Isabela, sa kabuuang 130 ektaryang pa­layan at maisan ay mahigit na sa 60,000 ektarya ang apek­tado kung saan 5,000 ektarya ang hindi na ma­pa­kinabangan. Ayon naman sa nanganga­siwa ng electric power ng Magat Dam na SN Aboi­tiz, na maaaring matigil ang kanilang operasyon kung patuloy ang pagbaba ng tubig ng dam.

Sa kasalukuyan ay nasa 171.6 meters na ang le­bel ng tubig sa Magat Dam kumpara sa 180-meters na pinakamababang naitala noong 2009.

Subalit nilinaw naman ni Mike Hosillos, pinuno ng SN Aboitiz Power na kung sakaling aabot sa 160 meters ang level ng tubig ay pansamantang ititigil ang kanilang operasyon at may mga iba namang ma­aring alternatibo na mapagkukunan ng elektrisi­dad. Maliban sa Magat Dam, ang iba pang hydroelectric power plants sa Luzon na nagbibigay ng elektrisidad ay ang San Roque Dam sa Pangasinan, Binga Dam sa Benguet, Angat Dam sa Bulacan at ang Pan­tabangan Dam ng Nueva Ecija.

Ang Magat Dam ang ikalawang pinakamala­ king power contributor na may 350 megawatts sa buong Luzon kung saan ang patubig na nag­mu­mula rito ay pinapakinabangan ng aabot sa 80,000 hectares na sakahan sa Isabela, Quirino at Cagayan. Victor Martin

ABOITIZ POWER

ANG MAGAT DAM

ANGAT DAM

AYON

BINGA DAM

DAM

DANILO TUMAMAO

ISABELA

MAGAT DAM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with