2 empleyada inulan ng bala

CAVITE , Philippines  —Dead-on-arrival sa Our Lady of Pillar Hos­pital ang isang em­ple­yada habang kritikal din ang kasamahan nito ma­tapos na pagbabarilin ng riding in tandem habang pa­sakay sa traysikel pa­pauwi sa bayan ng Imus ng lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Ulys­ses Cruz ang namatay na si Janet Nuevo, 33-anyos, nakatalaga sa Sanggu­niang Bayan ng Munisipyo ng Imus, Cavite habang kritikal naman si Felicitas Hernandez, 51-anyos, em­pleyada din ng munisipyo.

Sa imbestigasyon ni PO1 Dennis Magsaysay, dakong alas-6:00 ng gabi, papasakay umano ng tray­sikel ang dalawa pa­pauwi galing sa trabaho sa muni­sipyo nang bigla na lamang pagbabarilin ng dumaang mga lalaking lulan ng isang motorsiklo.

Dahil mabilis din ang naging pangyayari at pag­si­bad ng motorsiklo pa­layo ay hindi namukhaan ng ilang nakaistambay doon kung ano ang pag­kaka­ki­lanlan sa dalawang sus­pek.

Agad namang isinugod ng driver ng traysikel ang dalawang biktima na kung saan may tama sa leeg at katawan si Nuevo habang tinamaan naman sa kata­wan din si Hernandez.

Masusing iniimbes­ti­gahan ang nasabing kaso at inaalam pa kung sino ang posibleng kaalitan ng dalawa habang mahigpit namang inutos ni Mayor Manny Maliksi na tutukan ng kapulisan ang imbes­tigasyon para sa mabi­lisang mapagkakakilanlan at ikadarakip ng mga sus­pek. Cristina Timbang

Show comments