^

Probinsiya

Dahil sa maagang El Niño: Power shortage sa Luzon nakaamba

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines  — Pinangangam­ba­han sa ngayon ang po­sibleng pagkakaroon ng power shortage o kaka­pusan sa kuryente sa bu­ong Luzon sa mga darating na buwan dahil sa ma­agang epekto ng El Niño na sanhi ng patuloy na pag­baba ng water level sa Magat Hydroelectric Power Plant na nakabase sa Ra­mon, Isabela.

Ayon sa SN Aboitiz na nangangasiwa sa electric power ng Magat dam, ma­ari umanong matigil ang ka­nilang operasyon kung patuloy ang pagbaba ng tubig ng dam.

Sa kasalukuyan ay nasa 172 meters na ang lebel ng tubig sa Magat Dam kum­para sa 180-meters na pi­nakamababang naitala noong 2009 kaya, kung walang aasahang ulan sa mga susunod na mga araw, posibleng ihinto ng SN Aboitiz ang kanilang ope­rasyon.

Nilinaw naman ni Mike Hosillos, pinuno ng SN Aboitiz Power communication na, kung sakaling aabot sa 160 meters ang sukat ng tubig at pansa­mantala nilang itigil ang kanilang operasyon, may mga iba namang maaring alternatibo na mapag­kukunan ng elektrisidad.

Bukod sa Magat Dam, ang iba pang hydroelectric power plants sa Luzon na nagbibigay ng elektrisidad ay ang San Roque Dam ng Pangasinan; Binga Dam ng Ben­guet; Angat Dam ng Bu­lacan at ang Panta­ba­ngan Dam ng Nue­ va Ecija.

Ang Magat Dam ang ikalawang pinakamalaking power contributor na may 350 megawatts sa buong Luzon kung saan ang pa­tubig na nagmumula rito ay pinapakinabangan ng ma­higit sa 80,000 hectares na sakahan sa Isabela, Qui­rino at Cagayan.

ABOITIZ

ABOITIZ POWER

ANG MAGAT DAM

ANGAT DAM

BINGA DAM

DAM

EL NI

LUZON

MAGAT DAM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with