MANILA, Philippines - Nasawi ang isang ginang matapos na makulong ng apoy sa nasusunog nitong tahanan kamakalawa ng gabi sa bayan ng Labrador, Pangasinan.
Ang biktima ay nakilalang si Carolina Uson, 55-anyos, at residente ng Barangay Poblacion sa naturang bayan.
Sa pangunang imbestigasyon, natutulog sa ikalawang palapag ang biktima nang bigla na lamang masunog ang kanilang tahanan.
Mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa lamunin nito ang buong kabahayan kung saan nakulong ng apoy ang biktima.
Naghihinala naman ang mga bumbero na nagsimula ang apoy sa nag-over heat na bentilador. Joy Cantos