7 sa Cagayan Valley
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines — Aabot sa pitong sibilyan mula sa lambak ng Cagayan ang inaresto ng pulisya sa magkakahiwalay na lugar matapos masamsaman ng baril kaugnay sa pinaiiral na Comelec total gun ban na sinimulan noong Enero 10 para sa May 10 elections.
Ayon kay P/Chief Supt. Roberto Damian, Cagayan Valley police regional director, karamihan sa mga lumabag sa gun ban ay nadakma sa Quirino, sinundan ng Nueva Vizcaya at Cagayan.
Kabilang sa mga naaresto sa Quirino sa magkakahiwalay na checkpoint ay sina Noel Lopez, security guard, ng Cainta, Rizal, (M16 Armalite rifle); Cabbigat Annanayo, 55, (9mm pistol); Felimon Appaco, 23, (cal. .22 cal. Pistol); Gregorio Tobiagon ng Hungduan, Ifugao na nahulihan naman ng Cal. 22 magnum.
Sa Nueva Vizcaya naman ay nadakma naman sina Tom Bulahong, 37, ng Brgy. Roxas, Solano; Gilbert Banaih, 22; at Lorenzo Abbac na kapwa residente ng Quezon, Nueva Vizcaya.
Samantala, sa Cagayan ay inaresto naman sina Guilmore dela Cruz, 40, ng Buguey; at Bernardo Constantino, 30, ng Allacapan, Cagayan.
Sa talaan ng pulisya, umaabot na sa 200-katao ang arestado dahil sa paglabag ng Comelec gun ban kung saan karamihan sa mga nadakip ay residente ng Metro Manila at Calabarzon. Victor Martin
- Latest
- Trending