Police detachment binomba

MANILA, Philippines - Niyanig ng malakas na pagsabog ang police detachment sa bayan ng Macalelon, Quezon makaraang bombahin ng mga rebeldeng New People’s Army sa patuloy na pag­hahasik ng karahasan kamakalawa.

Bandang alas-10 ng gabi nang sumabog ang improvised explosive device na may sampung metro ang layo mula sa himpilan ng 5th Maneuver Platoon ng Quezon Provincial Police Support Management Command Headquarters.

Lumikha ng anim na pulgadang lalim sa may puno ng mahogany kung saan itinanim ang bomba. Sampung minuto matapos ang insi­dente ay isa pang pagsabog ang naganap sa bisinidad ng Barangay Bilucao, Pitogo, Quezon. Wala naman iniulat na nasugatan sa insidente habang patuloy ang imbes­tigasyon. Joy Cantos

Show comments