^

Probinsiya

Davao at Cotabato nilindol

-

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Niyanig ng 5.3 magnitude na lindol ang malawak na bahagi ng Davao at North Cotabato kahapong alas-8:07 ng umaga.

Ayon kay Engr. Nilo Tabi­gue, field observer ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, ang lindol ay na-monitor sa 32 kilometro hilaga ng Tagum City at 23 degree sa silangan ng lunsod ding ito.

Ang lalim nito ay 26 na kilometro.

Naramdaman ang lindol sa Davao City na may intensity 4; intensity 2 naman sa Kidapawan City at mga bayan ng Matalam at Ma­kilala sa North Cota­bato; intensity 3 sa President Ro­xas, North Cota­bato.

Ang lindol sa Tagum City kung saan na-monitor ang epicenter ng lindol ay naitala sa intensity 3.

Ito na ang ikalawang in­sidente ng pagyanig sa Min­danao ma­­karaang ya­nigin ng ma­lakas na lindol ang ban­sang Haiti sa western he­misphere sa Caribbean island na ikina­matay ng halos kalahating mil­yong katao. 

Bantulot ang mga resi­den­te sa Mindanao nang ma­ka­ramdam ng lindol dahil sariwa pa sa kanilang alaala ang malakas na lindol sa Haiti noong naka­raang Martes.

Agad namang pinaalala­hanan ni Phivolcs director Re­­nato Solidum ang mga re­sidente sa na­apek­tuhang lugar na mag-ingat dahil inaasahan na magka­karoon pa ng ma­raming aftershocks sa ka­nilang lugar. Malu Manar at Angie dela Cruz

DAVAO CITY

KIDAPAWAN CITY

LINDOL

MALU MANAR

NILO TABI

NORTH COTA

NORTH COTABATO

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

SHY

TAGUM CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with