3 NPA nadakip sa checkpoint

Camp Vicente Lim, Laguna, Philippines — Nadakip ng pinag­sa­nib na elemento ng Lum­ban Mu­nicipal Police Station, 1st Infantry Battalion, 202nd Brigade, 2nd ID ng Philippine Ar­my at Laguna Provincial Police ang tat­long pinaghihi­na­laang opis­yal ng New Peo­ple’s Army sa isang checkpoint ng Commisssion on Elections sa national highway ng Lumban, Laguna kama­ka­lawa ng hapon.

Kinilala ni Chief Superintendent Rolando Añonuevo, Region 4A police director, ang mga suspek na sina Ruelito Soriano Sr., 50-anyos, resi­den­te ng Bigaa, Cabuyao, La­guna; Mariano Julongbayan aka Ka Rommel/Tito Garcia/Reynaldo Mendoza, 52 - an­yos, finance officer, at re­sidente ng Barangay Coral Lopez, Calaca, Batangas; at Nolan Ramos aka Gerry Ra­mos/Gerald Pastolero/Ka Boning, 36 anyos, platoon leader ng komiteng pam­probinsiya ng NPA sa Laguna at residente ng Barangay San Antonio, Kalayaan, Laguna.

Ayon sa report na naka­rating kay Añonuevo, ang tatlong rebelde ay sakay ng isang KIA Vesta Van (UGY-632) at binabagtas ang kaha­baan ng Hi-way sa Barangay Lewin, Lumban nang parahin sila ng mga awtoridad ban­dang alas-5:20 ng hapon.

Napansin ng mga awtori­dad ang kahina-hinalang ga­law ng mga suspek na nag­bunsod para silipin nila ang loob ng van at makita ang isang lalagyan na may electrical wires na nagsisilbing blasting caps para sa pag­gawa ng bomba.

Nang pababain sa sa­sak­yan ang mga suspek, nakuha pa ng mga pulis ang isang tatlong-kilong anti-personnel explosive na may dalawang blasting caps; isang anim na kilong anti-personnel explosive na may apat na blasting caps at isang granada.

Nakarekober din ang mga otoridad ng isang itim na belt bag na naglalaman ng dala­wang bundle ng tig-1,000 piso at personal na gamit. Arnel Ozaeta

Show comments