2 utas sa killer truck

CAVITE , Philippines  — Kamatayan ang sumalubong sa dala­wang sibilyan makaraang  salpukin ng truck kahapon ng madaling-araw sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Zone 4, Cavite City, Cavite.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Romeo Rodolfo Jr., 23; at Gilbert Hayahay Jr., 20, kapwa nakatira sa Barangay Burol Main, Cavite City.

Arestado at pormal na kakasuhan ang drayber ng truck (RHV 502) na si Jonnel Palmes, 28, ng Barangay Taon 2, Las Piñas City. Napag-alamang patungong hilagang direksyon ang traysikel (WE 9253) ng dalawa nang masalpok ng truck na patungo sa katimugang bahagi. Cristina Timbang

Show comments