MANILA, Philippines - Dumipensa kahapon ang mga respondent na isinasangkot sa kasong rebelyon sa Maguindanao noong nakaraang linggo. Base sa isinumiteng counter affidavit ni Datu Ombra Sinsuat, pinabulaanan nito ang mga akusasyon na kabilang siya sa mga nag-aaklas laban sa gobyerno kasunod na rin ng kaguluhan sa Maguindanao. Kasabay nito ay nagsumite na rin ito ng certificate mula sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na nagpapatunay na hindi siya kalaban ng pamahalaan. Sa panig naman ng Criminal Investigation and Detection Group na isa sa mga complainant, sinabi nito na magpiprisinta rin sila ng mga testigo na magpapalakas ng kaso laban sa mahigit na 600 na indibidwal na isinasangkot sa rebelyon sa Maguindanao. Gemma Amargo-Garcia