Mayor sinibak
MANILA, Philippines - Sinuspinde ng tanggapan ng Ombudsman ng anim na buwan na walang sahod ang alkalde ng Cuyapo, Nueva Ecija dahil sa pagkakasangkot sa isang kaso ng pamamaslang. Sa limang pahinang kautusan, nilagdaan ni Acting Ombudsman Orlando Casimiro ang suspension order laban kay Cuyapo Mayor Amado “Jong” Corpuz Jr. Inireklamo si Corpuz sa kasong grave misconduct ng isang Priscilla Alcantara-Espinosa dahil sa pagkakasangkot umano ng una sa pagkakapaslang sa asawa nitong si Angelito Mendoza. Angie dela Cruz
- Latest
- Trending