Corn trader todas sa holdap

PLARIDEL, Bulacan, Philippines — Isang negosyante ang hi­noldap at napatay ng tat­long lalaki makaraang mag­labas siya ng pera mula sa isang bangko sa Ba­rangay Tabang sa ba­yang ito kahapon ng tanghali.

Nagtamo ng ilang tama ng bala mula sa isang .45 kalibre at .38 revolber na baril ang biktimang si Cri­santo Abregar, 29, may-asawa, mangangalakal ng mais at residente ng Ma. Lourdes Subdivision, Ba­rangay Tabang.

Nadakip naman ng pu­lisya sa isang checkpoint ang dalawa sa mga suspek na sina Reynan Jacobe, 25, may-asawa, residente ng Northbay Boulevard South, Navotas City at Albert Bartolome, 29, may-asawa, residente ng Ca­busao, Camarines Sur.

Nauna rito, pauwi na si Abregar pagkagaling sa banko lulan ng kanyang sa­sakyang Izusu Crosswind nang, pagsapit niya sa isang kurbada, hinarang siya ng mga suspek na lulan ng dalawang motor­siklo bago siya pinagba­baril. Tinangay ng mga ito ang dala niyang pera bago tumakas.

Dalawa sa mga suspek ang nasabat sa isang police checkpoint habang hi­na­hanap pa ang naka­takas nilang kasamahan.

Show comments