Mag-asawang trader itinumba
BATANGAS CITY , Philippines — Pinaniniwalaang hindi naipatupad ng maayos ang gun ban ng Commission On Election (Comelec) sa lalawigan ng Batangas, kung saan napatay ang mag-asawang negosyante ng motorcycle-riding gunmen sa bayan ng San Pascual kahapon ng umaga.
Napuruhan sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mag-asawang sina Eupronio Cordero, 69; at Tarcela Caraan-Cordero, 83, may-ari ng grocery store sa bayan ng Bauan at residente ng Barangay Palsahingin, sa bayan ng San Pascual, Batangas.
Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Alberto Supapo, patungo sana ng kanilang grocery ang mag-asawang sakay ng Toyota Tamaraw (PCR-991) nang ratratin ng maskaradong lalaki na lulan ng motorsiklo na may ilang metro ang layo sa kanilang bahay bandang alas-5:30 ng umaga
Dead-on-the-spot si Eufronio samantalang namatay naman si Tarcela habang ginagamot sa Bejasa Hospital sa Bauan, Batangas.
Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong land dispute at business rivalry na sinasabing motibo ng pamamaslang. Arnell Ozaeta
- Latest
- Trending