^

Probinsiya

Buntis utas sa ligaw na bala

-

MANILA, Philippines - Isang 25-anyos na buntis ang iniulat na nasawi ma­karaang tamaan ng ligaw na bala mula sa nagrarambu­lang kalalakihan na kapitba­hay ng una kahapon ng umaga sa Brgy. Concordia, Esperanza, Agusan del Sur. Napuruhan sa dibdib ng bala ng shotgun si Evalyn Labial kung saan nagmula sa nagbangayang sina Claudio Rocacorba at ang kanyang nakakatandang utol na si Junior at anak ni Clau­dio na si Ramon na nauwi sa pagtatagaan at barilan. Batay sa report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na kapwa pinag­tataga ni Claudio ang kan­yang kapatid at anak kung kaya’t kumuha ng shotgun si Ramon at binaril ang sariling ama. Aksidente namang ti­na­maan ng ligaw na bala ang buntis na misis kung saan patuloy ang imbesti­gasyon. Joy Cantos

vuukle comment

AGUSAN

AKSIDENTE

BATAY

BRGY

CAMP CRAME

CLAU

CLAUDIO ROCACORBA

EVALYN LABIAL

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with