Pinsan ng tauhan ng Ampatuans: Konsehal todas sa ambus
MANILA, Philippines - Napaslang ang isang konsehal na pinsan ng isang lider ng mga private armed group ng angkan ng mga Ampatuan makaraang tam bangan ng mga hinihinalang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front rogue element sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Tamano Mamalapat, 37- anyos, konsehal ng Datu Saudi Ampatuan, na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ayon sa tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na si Major Randolph Cabangbang na tinambangan ang biktima sa bisinidad ng Barangay Dapiawan, Datu Saudi Ampatuan bandang alas-10:20 ng gabi.
Sinabi ni Cabangbang na bigla na lamang sumulpot sa lugar ang mga armadong kalalakihan at saka pinagbabaril ang nasorpresang biktima na bumulagta sa insidente.
Sinasabing ang biktima ay pinsan ng grupo ni MILF rogue elements 105th Base Commander Datu Mama, isa rin sa mga lider ng PAGs ng maimpluwensyang angkan ng mga Ampatuan.
- Latest
- Trending