Administrador ng tambakan tinira ng Akyat Bahay gang

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan , Philippines  — Uma­abot sa halagang P800,000 halaga ng mga alahas at pera ang nakulimbat ng pinanini­walaang mga miyembro ng akyat bahay gang sa isang 58 anyos na ginang at administrador ng isang dumpsite makaraang salakayin ang kanyang bahay sa isang lugar sa Barangay Tu­gatog kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Asuncion Arenas, may-asawa, residente ng naturang bayan at na­nganga­siwa ng Lingunan Dumpsite sa Ba­rangay Lingunan.

Ayon sa imbestigasyon umalis ang biktima dakong alas-7:00 ng umaga sa kanilang bahay at iniwan niya ang kanyang anak na babae at manugang. Ilang oras pa ang nakakalipas ay umalis din ang mag-asawa sa bahay. Sa pagbalik nila dakong alas-7:00 ng gabi ay nakita nilang bukas na ang main door nito at magulo ang lahat ng kagamitan sa loob ng pamamahay.

Nang imbestigahan nila ang kuwarto ng admi­nistradora ay nawawala na ang mga alahas at pera na nasa loob ng aparador. Boy Cruz

Show comments