Harassment vs Joaquin tumitindi
LAGUNA, Philippines— Isa umanong political harassment ang ginagawa laban sa ku makandidatong si ex-1st District Congresswoman Uliran Joaquin matapos itong sampahan ng kasong perjury. Hindi naman tinukoy ng kampo ni Joaquin kung ano ang pangalan ng taong nagsampa sa kanya ng kasong perjury, subalit may hinala sila na ang nasa likod nito ay ang kanayng kalabang politiko. Nabatid sa kampo ni Joaquin na ang pamamaraan ng kanilang kalaban sa politika ay isa umanong political harassment at maituturing na isa itong desperadong hakbangin. Sinabi pa ng kampo ni Joaquin, na inihahalintulad siya kina Bulacan Governor Joselito Mendoza, Isabela Governor Grace Padaca, na pinatalsik ng Commission on Elections, dahil ang tunay aniyang nagwagi sa bilangan ay ang mga kalaban ng mga ito, na sinasabing mga manok naman ng kasalukuyang administrasyon. Hindi pa man aniya nananalo sa pagka-kongresista si Joaquin ay ginagawan na aniya ng paraan ng kalaban nito na mapatalsik.
- Latest
- Trending