Killer truck: Pulis nagutay, napugutan

MANILA, Philippines - Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang ala­gad ng batas makaraan itong maputulan ng ulo nang suyurin at makalad­kad ng may 25 metro ng truck na nakabundol sa sinasakyan nitong motor­siklo sa kahabaan ng highway sa bayan ng Dasol, Pangasinan, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si SPO4 Edgar Poblete, 44, may asawa at naka­ta­laga sa himpilan ng pulisya sa bayang nabanggit.

Ang biktima na halos nagutay ang katawan ay napugutan pa ng ulo ma­ ka­raang makaladkad ng Fuso truck na may pla­kang RGA-972 na mina­maneho ni Raul Batis­ tiana, 29, ng Sta. Barbara, Pan­gasinan.

Sa naantalang ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang sakuna may dalawang araw na ang nakalipas sa national highway ng Ba­rangay Amalbalan.

Base sa police report, kasalukuyang minama­neho ng biktima ang kani­yang motorsiklong Loncin sa highway nang makasa­lubong ang killer truck ni Batistiana.

Sa kamalasan ay suma­bit pa sa truck ang katawan ng biktima kung saan tuluyan itong napugutan ng ulo kung saan nagkagutay sa malagim na sakuna.

Nasakote naman ang dray­ber ng truck na isina­ilalim na sa kustodya ng pulisya kaugnay ng kina­kaharap nitong kasong criminal.

Show comments