Saleslady ni-rape, ginilitan

BULACAN , Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 18-anyos na sales­lady matapos na halayin ay ginilitan at pinagsasaksak pa ng dalawang kalalaki­han na sinasabing lango sa bawal na droga kahapon ng madaling-araw sa bisini­dad ng Barangay Guyong sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan.

Bandang ala-una ng ma­daling-araw nang ma­tag­­puan ang bangkay ni Jesa Aw ng nabanggit na ba­rangay.

Pormal na kinasuhan habang nakapiit ang mga suspek na sina Maximo Enriquez, 20, traysikel drayber, ng Sitio Matang Tubig, at Jerry Fernando, 37, ng Fernando’s Apartment.

Sa police report na na­ka­rating kay P/Supt. Mar­cos Rivero, lumilitaw na papauwi ang biktima mula sa simbang gabi nang harangin at kaladkarin ng mga suspek patungo sa apartment na pag-aari ng isa sa suspek na si Jerry.

May palatandaang nan­laban ang biktima matapos halayin ng mga suspek kaya pinatahimik bago inabandona ang bangkay nito sa basement ng apartment.

Show comments