Misis todas sa holdaper

LEGAZPI CITY , Philippines  — Pinaniniwalaang nanlaban kaya napatay ang isang misis makaraang barilin ng mga holdaper kamakalawa ng gabi sa bisinidad ng Barangay Cruzada sa Legazpi City, Albay. Nasawi habang ginagamot sa Ago General Hospital si Elvira Balingasa. Lumilitaw sa ulat ng pulisya na papasok na sana sa gate ng kanilang bakuran ang biktimang sakay ng Isuzu Sportivo (EBV 165) nang lapitan at holdapin ng dalawang maskaradong lalaki. Tinangkang saklolohan ang biktima ng kanyang mister subalit pinutukan ito ng baril. Tangay sa biktima ang bag na naglalaman ng malaking halaga. Ed Casulla

Show comments