^

Probinsiya

7 pulis-ARMM nahaharap sa summary dismissal

-

MANILA, Philippines - Pitong opisyal ng pu­lisya sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang nahaharap sa summary dismissal proceedings kaugnay sa Maguindanao massacre na ikinasawi ng 57 katao ka­bilang ang 32 mediamen sa bayan ng Ampatuan noong Nobyembre 23.

Kabilang sa mga opis­yal ng PNP na naka­am­bang sibakin sa hanay ng pulisya ay sina P/Supt. Abusama Maguid, officer-in-charge ng Maguindanao Police Provincial Office; P/Chief Inspector Sukarno Dicay, deputy provincial director; P/Inspector Arman­do Mariga ng 1506th Provincial Mobile Group (PMG); P/Inspector Saudi Mo­kamad, ng 1507th PMG; P/Inspector Rex Diongon, ng 1508th PMG; P/Senior Inspector Abdul­gapor Benasing Abad, commanding officer ng 15th Regional Mobile Group at si SPO2 Badawi Bakal , OIC ng himpilan ng pulisya sa bayan ng Am­patuan.

Sa imbestigasyon ng Regional Investigation and Detective Management Division-Police Regional Office-ARMM, lumilitaw na hindi lamang pabaya sa tungkulin ang Maguin­danao PPO kundi mismong mga tauhan nito ang sang­kot sa pakikipagsabwatan sa angkan ng mga Am­patuan.

Natukoy pa na ilang opis­yal ng pulisya ang mis­­ mong namuno sa pag­ha­rang sa convoy ng mga Ma­ngudadatu may 2 hang­gang 5 kilometro ang layo sa pinangyarihan ng ma­saker.

Magugunita na nang du­mating ang tropa ng Philippine Army at tina­ tanong ang grupo ni Dicay kung may napansin silang du­maang convoy ng mga Mangudadatu sa checkpoint ay tumanggi ang mga ito at sinabing walang nakita at wala ring narinig na mga putok ng baril mula sa killing fields ma­ lapit lamang sa checkpoint. Joy Cantos

ABUSAMA MAGUID

AUTONOMOUS REGION

BADAWI BAKAL

BENASING ABAD

CHIEF INSPECTOR SUKARNO DICAY

INSPECTOR ARMAN

INSPECTOR REX DIONGON

INSPECTOR SAUDI MO

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with