4 dayuhan nagmulta

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Apat na dayu­hang mangingisda ang nagbayad ng $25,000 o tinatayang humigit kumulang sa P1.14 million sa tanggapan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources matapos mahuli ng mga awtoridad sa nasa­sakupan ng Philippine sea sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon sa ulat ng BFAR regional office na nakabase sa Aparri, Cagayan, nakilala ang apat na dayuhan na sina Liou Rong Tsair, Guu Ming Jong, Huang Ping Ho at Lee E Ren na pawang mga mangingisda mula sa Taiwan.

Sakay ng vessel BK 6705, ang apat na dayuhang Taiwanese ay aktong nahuli ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard na nagsasa­gawa ng iligal na pangingisda sa baybaying bahagi ng Calayan Island ng Appari, Cagayan.

Nilinaw din ng BFAR na ang mga dayuhan ang bo­luntaryong nakiusap na magbabayad ng compromise fine sa kabila ng kanilang kahirapan sa buhay. Victor Martin

Show comments