Call center agent inatado

MALOLOS CITY, Bula­can, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng isang call center agent nang saksakin nang 11 beses ng kanyang pin­sang-buo habang nag­tamo naman ng ’di pa ma­bilang na saksak sa kata­wan ang iba pang miyembro ng kanyang pamilya sa Ba­rangay San Juan sa lunsod na ito ka­hapon ng madaling-araw.   

Nalagutan ng hininga ha­bang ginagamot sa General Santos Hospital ang bikti­mang si Christine Vicente, 25, may-asawa.

Kasalukuyan namang naki­kipaglaban kay kamata­yan ang dalawa pang ka­sam­­bahay nito na sina Sarah Jane Vicente 24, dalaga, private employee, ka­patid ng nasawi; at Am­brocio Marcos, 82, may-asawa, lolo ng dalawang babae at pawang mga resi­dente ng 297 Canlapan St., Barangay San Juan.  

Sinasabing natutulog ang mga biktima sa ka­nilang kuwarto nang pasu­kin sila at pagsasaksakin ng suspek.   

Naaresto naman ng mga awtoridad ang suspek na si Ryan James Marcos 28, bi­nata at residente ng 303 Can­lapan St. sa naturang ba­rangay.

Hindi pa mabatid ang mo­tibo ng pananaksak ng sus­­pek sa mga biktima ha­bang isinusulat ito. Boy Cruz

Show comments