Bus nahulog sa bangin, 23 katao sugatan

MANILA, Philippines - May 23 katao ang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa bangin ang isang pampasaherong bus nitong Huwebes ng hapon sa bayan ng Gallego, Camarines Sur. Ayon kay Police Regional Office 5 Director Chief Supt. Ruben Padua, naganap ang sakuna sa highway ng Barangay Comadaycaday sa Gallego dakong alas-2:30 ng hapon. Bumabagtas ang PP Bus Line na may plakang TWZ-873 na may body number 8228 sa na­sa­bing highway nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver. Ang nasabing bus ay patungo umano sa Pasay City nang mangyari ang naturang trahedya.   Tuluy-tuloy itong nahulog sa may 10 metrong lalim na bangin na ikinasugat ng 23 sa kabuuang lulan nito kabilang ang driver, assistant driver at konduktor. Joy Cantos

Show comments