4 tiklo sa droga
BOCAUE, Bulacan, Philippines — Aksidenteng nabisto ng mga kawani ng lokal na Drug Enforecement Group ng Philippine National Police ang dalawang babae na nagpapakalat umano ng mga iligal na shabu makaraang masabat ang mga ito sa Barangay Lolomboy sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni P/Supt. Ronald De Jesus ang mga suspek na sina Chatlyn Buenaflor 25, may-asawa at residente ng Lolomboy; at Asminah Banto 18, dalaga, at residente ng Barangay Saluysoy, Meycauayan City. Nakumpiska sa kanila ang walong sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P15,000.
Sa hiwalay na ulat, naaresto ng pulisya ang dalawang kilabot na nagbebenta ng “bato” sa isang buy bust operation na isinagawa sa Barangay Calaylayan, Abucay, Bataan kamakalawa.
Kinilala ni Bataan Police Director P/Sr. Supt. Manuel Gaerlan ang mga suspek na sina Felix Villaruz y Angeles, 34 anyos; at Ariel Sevilla y Ronquillo, 35, kapwa nakatira sa naturang lugar.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-5:00 ng hapon nang isagawa ang operation sa pamamagitan ng isang poseur-buyer.
Nakakumpiska sa mga suspek ang dalawang piraso ng medium size a tea bag, 5 pcs. plastic schet na pinaniniwalaang shabu na may timbang na dalawang gramo na aabot sa halagang P200,000 at nabawi din sa mga kamay ng suspect ang P1,000 na siyang ginawang marked money. Boy Cruz at Jonie Capalaran
- Latest
- Trending