3 lungsod, 1 pa sa Mindanao sasailalim sa Comelec

MANILA, Philippines - Dahil sa tensyonadong sitwasyon sa hidwaan sa pulitika kaugnay ng Ma­guin­danao massacre no­ong Nobyembre 23 ire­reko­menda ng pulisya sa Commission on Elections (Co­melec) na isailalim sa hot­spots ang apat pang lugar sa rehiyon ng Min­danao.

Ayon kay PNP deputy chief for operations at Task Force HOPE (Honest Orderly and Peaceful Elections) Commander P/De­puty Director General Jeffer­son Soriano, irereko­menda ni­ lang ilagay sa Comelec control ang ka­ragdagan pang apat na lugar sa rehiyon.

Kabilang dito ang Ge­ nera­l Santos City, Sultan Kudarat, Cotabato City at Davao City na pawang ma­lapit sa Maguindanao.

Samantala, ang Ma­guin­danao na pinangyari­han ng masaker ay ka­bilang sa mga lugar na nauna nang inirekomenda ng PNP na ibilang sa areas of immediate concern (AEC) kaugnay ng 2010 national elections.

Kaugnay nito, inihayag ni Soriano na magpu­pu­long ang Joint Security Coordinating Center na pamu­munuan ng senior Co­melec supervisor upang mailatag ang sapat na seguridad.

Magugunita na hiniling ng PNP sa Comelec na ila­gay din sa talaan ng hot­spot ang siyam na lugar sa bansa na kinabibilangan ng Masbate, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Nueva Ecija, Basilan, Sulu, Abra, Samar at ang Maguin­danao bunga na rin ng mga naitalang karaha­sang may kinalaman sa pulitika. Joy Cantos

Show comments