5 katao natusta sa sunog

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa limang sibilyan makaraang makulong sa nasusunog na bahay kamakalawa sa Bunawan District, Davao City, Davao del Sur. Kabilang sa mga nasawi ay ang mag-asa­wang sina Danilo Perez at Maria Lida Perez, kapwa guro; mga anak na sina Daryll John, Dinies Christine at ang pamangking si Eda Maria Cuello. Lumilitaw sa police report na nakarating sa Camp Crame na mag­kaka­samang natutulog ang mga biktima nang sumiklab ang apoy sa sala ng kanilang tahanan ban­dang alas-3:43 ng madaling-araw. Nadamay na ti­nupok ng apoy ang gusali ng Daniel Perez Elementary School kung saan naapula ang apoy dakong alas-5 na ng umaga. Joy Cantos

Show comments