Audio recording, 2 celpon
MANILA, Philippines - Isa sa 57 biktima ng Maguindanao massacre ang nagawa ang sikretong audio recording noong Nobyembre 23 na nagtuturo kay Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. na nag-utos sa karumaldumal na krimen.
Ito ang nabatid kahapon kay Task Force Alpha Commander P/Chief Supt. Felicisimo Khu kung saan hawak ng pamilya Mangudadatu at kabilang sa mga ebidensya na ipinaturn-over sa mga imbestigador.
Nabatid na itinago ang nasabing audio recording sa medyas ng isa sa pamilya Mangudadatu na ini-on matapos na umalis ang convoy.
Samantala, dalawa pang celpon ng mga biktima na narekober sa crime scene ang naglalaman ng mga text messages na malaki ang maitutulong sa imbestigasyon ang nasa kustodya na ng PNP Criminal Investigation Group sa Region 12.
Backhoe operator hawak na ng PNP
Hawak na ng mga awtoridad ang isa sa tatlong backhoe operator na inatasang maghukay na ga gamitin sa Maguindanao massacre.
Gayon pa man, tumanggi muna si Khu na tukuyin ang pagkakakilanlan ng operator habang patuloy ang pagtugis sa iba pa nitong kasamahan.
Sa inisyal na interogasyon, inamin ng backhoe operator na pinaghukay sila sa Brgy. Salman simula noong Nobyembre 18 hanggang 22 kung saan ay bumaba sila muli bago kumalat ang dilim.
Napag-alamang 30-minuto bago ang masaker ay muling pinapunta ang tatlong backhoe operator sa inihandang mass grave noong Nobyembre 23 kung saan hindi nila alam kung para saan ang malalim na hukay na iniutos sa kanila.
Saka lamang nila napagtanto na may inihanda pa lang killing fields laban sa mga biktima ng Maguindanao massacre. Nina Doris Franche, Joy Cantos AT Artemio Dumlao
- Latest
- Trending