40 abogado ng Ampatuans tatapatan

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na tatapatan nila ang 40 abogado na legal team ng Ampatuans.

Ayon kay VACC founding chairman Dante Jime­nez, hinahanda na ang kanilang legal team na tutulong sa pagsulong ng kaso laban sa mga res­ponsable sa Maguindanao massacre noong Nob­yembre 23.

Ipinagmalaki pa ni Ji­menez na de-kalibre din ang kanilang mga abogado at dati ng may karanasan sa paghawak ng mga high-profile crime cases.

Sinabi ni Jimenez na dapat lamang na mabig­yan ng sapat na hustisya ang mga biktima ng karu­mal-dumal na krimen lalo pa’t ito ay gumimbal sa buong mundo.    Nina Doris Franche, Joy Cantos AT Artemio Dumlao

Show comments