2 bandido dedo sa shootout

MANILA, Philippines - Dalawang kalalakihan na sinasabing notoryus na bandido ang napatay makaraang makipagbarilan sa pulisya kamakalawa ng madaling-araw sa bisinidad ng Purok 1, Barangay San Vicente, sa bayan ng Baungon, Bukidnon. Kabilang sa mga napatay ay sina Bebot Binatao at Boyet Gamayo na kapwa miyembro ng Lundahan Gang na sangkot sa iba’t ibang krimen. Napag-alamang bago mapatay sina Binatao at Gamayo ay nagawa pang i-hostage at mapatay ang dalawang manggagawa ng Agrinanas Del Monte Phils. na sina Jose Cantero at Edwin Duco. Narekober naman ang isang home-made shotgun na may magazine, mga bala, military uniform, itak, food stuff at mga pinatuyong dahon ng marijuana. Joy Cantos

Show comments