May-ari ng subdibisyon nilikida

BULACAN , Philippines  – Isang may-ari ng subdibisyon ang iniulat na napaslang makaraang pagbabarilin ng maskaradong lalaki sa harapan ng kanyang pamilya sa bisinidad ng Barangay Makinabang sa bayan ng Baliwag, Bulacan kamakalawa. Nasapol sa ulo at hindi na umabot ng buhay sa Marcelo General Hospital si Manuel Venturina, 55, may-ari ng Rafaela Subdivision at residente rin ng naturang lugar. Lumilitaw sa police report na sinundo ng biktima ang kanyang misis at tatlong anak mula sa loob ng kanyang opisina at nang papaalis na lulan ng Nissan Safari (RAA-866) ay nilapitan at niratrat ng maskaradong lalaki. Boy Cruz

Show comments