3 'holdaper' arestado

BALANGA CITY, Bataan , Philippines  — Tatlong miyembro ng rob­bery/holdap gang ang naaresto ng pulisya sa isinagawang operasyon kamakalawa ng madaling-araw sa Barangay San Jose, Balanga City, Bataan, kamakalawa ng ma­daling-araw.

Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Alexander Jovillanos, 21; Jerwin Alcantara, 24; at ang lider ng grupo na si Miguel Panong, 26; samantalang nakatakas naman ang kasamahan na si Joven Aquino.

Napag-alaman na nakapangholdap pa ang tatlo bago maaresto ng pulisya. Jonie Capalaran

Show comments