Ambus: 6 sundalo kritikal

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines  — Limang sun­dalo ng 83rd Infantry Battalion ng Phil. Army at isang mi­yembro ng Cafgu ang iniulat na nasa kritikal na ka­lagayan makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army kamakalawa ng hapon sa bisinidad ng Ba­rangay Guimlong, sa bayan ng Caramotan, Catan­duanes.

Kabilang sa mga sundalong sugatan ay sina Cor­poral Riodique, Pfc. Robianes, Pfc. Abanil, Pvt. Cer­don, Pvt. Toldanes at ang Cafgu na si Lucero. Base sa ulat, pa­tungo sana sa nabanggit na lugar ang tropa ng mga bik­tima sa pamumuno ni 2Lt. Jerry Doldol para ma­kipagpulong sa mga opisyal ng barangay nang ratratin ng mga rebelde.

Tumagal ng 40-minuto ang palitan ng putok hanggang sa umatras ang mga rebelde. Ed Casulla

Show comments