Seajack: 3 opisyal ng barko kinidnap

MANILA, Philippines - Nagmistulang Somali pirates na sinasabing nang-hostage sa 36-crew ng Spa­nish trawler Alakra­na ang grupo ng kalalaki­hang du­mukot sa tatlong opisyal ng tugboat sa kara­gatan ng Siocon, Zam­bo­anga del Norte, kama­kalawa.

Ayon kay Lt. Comman­der Armand Balilo, kabilang sa mga dinukot ay sina Captain Felipe Miranda, Chief­mate Cecilio Laya­san, at si Chief Engr. Rad­sie Mag­tanong na pawang opisyal ng Barge Salvmar-II.

Sa impormasyong na­kalap sa bisor ng Cebu Barge and Tug Corp. na si Arnulfo Braulio, naglalayag ang Motor Tug Marinero na hila ang barge Salvmar-II mula sa Port of Makar Wharf, General Santos City patungo sa Iligan City nang harangin ng mga arma­dong kalalakihang sakay ng tatlong pump boat.

Walang nagawa ang mga biktima laban sa mga pirata na sumampa sa MT Marinero at Salvmar II ban­dang alas 11 ng gabi kung saan tinangay din ang Global Positioning System, radio equipments, cell­phone at provisions ng mga bik­tima.

Gayon pa man, sina­bihan ng mga pirata ang ilang crew na dadalhin nila ang tatlong bihag sa town proper para kontakin ang may-ari ng tugboat.

Ayon kay Maritime In­dustry Authority (Marina) regional director Basirud­din Adil, na ang tugboat ay nakarehistro sa Cebu City at pag-aari ng Visayas Sealink.

Kaagad naman inalerto ni Admiral Wilfredo Tamayo ng Coast Guard Action Cen­ter ang mga nagla­la­yag na barko sa karagatan ng Siocon Bay na mapag­matyag at ipaalam kaagad ang anumang kahina-hina­lang mga sasakyang dagat sa nasabing lugar.

Aminado ang PCG na wala pa silang natutumbok na pagkilanlan sa grupo ng mga pirata. Ludy Ber­mudo at Ricky Tulipat

Show comments