Lover ni misis itinumba ni mister

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines  — Isang 22-anyos na lalaki na sinasa­bing nakialam sa may asa­wang babae ang iniulat na napaslang makaraang pag­­babarilin sa loob ng palengke kamakalawa ng gabi sa Barangay Pobla­cion sa bayan ng Oas, Al­bay.

Idineklarang patay sa pinagdalhang ospital si Cesar Beniza Jr. 22, ng Barangay Ilaor Sur. Sa­mantala, tugis naman ng pulisya ang suspek na si Arnel Yuzon.

Lumilitaw sa police report na nakaabot sa kaala­man ni Yuzon ang balitang naging lover ng kanyang misis ang biktima kaya nagpupuyos ito sa galit.

Napag-alamang inaba­ngan ng suspek ang bikti­mang naglalako ng panin­dang gulay at prutas bago isagawa ang pama­mas­lang. 

Show comments