2 sibilyan, todas sa NPA

LAGAWE, IFU­GAO, Philippines — Pinag­babaril at na­patay ang dala­wang sibilyan ng mga mi­yembro ng New Peo­ples Army nang mapag­kamalang sundalo ang mga ito sa Barangay Numpaling, Asipulo ka­hapon.

Kinilala ang mga bik­tima na sina Emilio Dan­gew, 46 at Rodel Cu­lian, 22 kung saan inutusan lang ang mga ito ng isang Wiliam Na­talak na kumuha ng baboy pa­ra sa isasa­ga­wang pray­er service nang ma­kasalu­bong ang tat­long NPA at agad na pi­­nagbabaril ang mga biktima sa ka­bila ng pagsigaw ng mga ito na “sibilyan kami”.

Nang makumpirma na sibilyan ang mga biktima ay nagbigay ng P3,000 ang mga sus­pek at inutusan ang mga katutubo na ihatid sa pinakamalapit na ospital ang mga bik­tima, ngunit dahil sa so­brang layo ng Ifu­gao Provincial Hospital sa La­gawe, Ifugao ay hindi na uma­bot pa nang bu­hay ang mga bik­tima.Victor Martin

Show comments